"Anak mag-aral kang mabuti, tanging edukasyon lang ang kaya naming maipamamana sa iyo... wala kaming yaman kundj ito." Ito ang mga katagang palasak at gasgas na sa pandinig subalit patuloy na namumutawi at hanggang sa kasalukuyan ay bukambibig ng bawat pamilyang salat sa karangyaan. Subalit hanggan saan nga ba ang kayang marating ng edukasyon at kung bakit gayon na lamang ang labis na pagpapahalaga ng miga Pilipino rito kumpara sa iba't ibang lahi ng mundo? Edukasyon nga ba ang siyang susi upang makamit ang rninimithing tagumpay O isa lamang instruments) upang higit na malirip ang mas malalim na kaisipan na siyang tuluyang sisira sa ugnayan ng tao sa Diyos at kalikasan? Tama nga kaya ang tinuring ng dating Kalihim ng Edukasyon na si G. Jesli A. Lapus na "Edukasyon ang Solusyon"?
Maikling kataga subalit punong puno ng pag-asa at pananalig na tunay ngang sa edukasyon makakahanap tayo ng solusyon. Solusyong sa mga bumabalakid sa pumapaimbulog na liwanag ng kasaganahan. Matayog na mga pangarap, marubdob na adhikaing mapagbago ang bawat pamumuhay at katayuan na siyang magiging sandigan upang makamit ang minimithing tagumpay, ang EDUKASYON. Kung ating tutuntunin ang pinakaugat nito, sa bubot na kaisipan natin ay pinunla na ng ating mga magulang ang kahalagahan ng edukasyon. Mula sa simpleng ABAKADA hanggang sa mas mataas na uri ng kaalaman ay ngsisilbing gabay natin upang higit na maunawaan ang mga nangyayari sa ating lipunan at kapaligirang ginagalawan. Bagkus ang iba ay sadyang pinagkaitan ng tadhanang di masilayan ang tunay na kahulugan nito, nanatili pa rin silang bilanggo sa kanilang mga sariling anino ng kamangmangan. Kung edukasyon nga ang magsisilbing tanglaw sa magandang kinabukasan na siyang pupuklo sa mga tanikalang sumisikil sa atin sa karukhaan at kahirapan, nararapat lamang na pagtuunan natin ng pansin ang edukasyon. Subalit ang katotohanan ay nanatiling nakalubog ang ating mga paa sa putik ng kamangmangan sapagkat marami pa rin sa atin ang di man lamang makapunta sa mga paaralan dala marahil ng kahirapan at kawalan sa buhay. Marami pa tin ang nananatiling mangmang at walang alam na nagtatago sa karimlan upang suungin ang mapanghamong kapalaran ng buhay. Marami pa ring nagkalat sa lansangang naghahanap at nagdurusa upang may mailaman sa kumakalam na tiyan. At marami pa ring nagdarahop at nakikipagsapalaran malayo sa kanilang mahal sa buhay upang may mapantustos sa bagsak na ekonomiya na bayan ni Juan Dela Cruz. Kung tutuusin sana'y walang magiging dayuhan sa kanyang sariling bayan sapagkat ang edukasyon ay tanging laan sa bawat isang mamayan sa kanyang nasasakupan. At kung ating isasabuhay ang nilalaman ng Saligang Batas sa ating Konstitusyon, Artikulo XIV " Na nagtataguyod sa karapatan ng mga mamamayan sa edukasyong may mataas na kalidad at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mga Pilipino na makapag-aml" wala sanang ngayon mga paslit sa lansangan bitbit ay mga mumunting latang sisidlan at Inga Magdalenang naghihintay sa liwanag kapalit ang bubot na katawan para sa mga dayuhan. Di nga ba ay hamon ito sa ating pamahalaam upang matugunan ang bumababang kalidad ng edukasyon sa bansa? Nakalulungkot mang isipin subalit ito ang tunay na sitwasyon sa kasalukuyan. Nasaan na nga ba ang solusyon kung ang bawat isa mismo ay salat sa edukasyon? Ilang karitong klasrum pa kaya ang dapat gawin ng bawat Pilipinong tulad ni Efren Penaflorida upang higit na mapaunawa sa atin ang tunay na kahalagahan ng EDUKASYON? At gaano katagal pa kaya tayo mghihintay upang muling rnaibangon ang lulnang sistema ng edukasyon at mga kaakibat na problemang kinakaharap sa kasalukuyan? Kailan kaya matutugunan ang hinaing ng mga guro sa kakulangan ng mga pasilidad, kagamitan at ang lumolobong bilang ng mga mag0aaml sa mga pampublikong paaralan? Hanggan saan tayo dadalhjn ng ating pangarap upang mapatunayan naring ang Edukasyon ang Solusyon‘?
Sa inyo mga minamahal na kababayan, ito ngayon ang hamong gigising sa natutulog nating diwa upang higit na mapagbigkis ang hangaring makamit ang kaunlarang dapat sana’y matagal na nating tinatamasa. Bawat isa sa atin ay may malaking gampaning mapagbago ang kasalukuyang naghihingalong ekonomiya ng bansa at ang mababang kalidad ng edukasyon. Huwag tayong manatiling bulag, pipi at bingi sa kadilimang pumapalaot sa ating kapaligiran bagkus maging isang liwanag na siyang mgbibigay tanglaw upang maabot ang bawat pangarap at adhikaing umunlad. Patunayan nating ang "Edukasyon ay Solusyon."
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento